4 pulis patay sa tangkang pag-aresto sa 'most wanted person'

Henry Atuelan, DZMM

Posted at Feb 21 2017 01:18 PM

 3 iba, kritikal 

LUBUAGAN, Kalinga - Nasawi ang 4 pulis matapos mauwi sa engkwentro Martes ang tangkang pag-aresto sa isa sa mga itinuturing na most wanted person sa buong bansa. 

Nag-umpisa ang bakbakan alas-7:30 ng umaga, nang isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest laban kay Willy Sagasag, na dawit sa mga kaso ng murder and illegal possession of firearms sa Kalinga, at iba pang asunto sa Tuguegarao. 

Batay sa inisyal na ulat na natanggap ni Philippine National Police (PNP) spokesperson S/Supt. Dionardo Carlos, kinilala ang mga nasawi na sina: PO3 Cruzaldo Lawagan, PO2 Juvenal Aguinaldo, at PO1s Vincent Tay-od at Charles Ryan Compas.

Malubha naman ang kalagayan nina S/Insp. Eduard Liclic, at PO1s Ferdinand Asuncion at Ferdie Diwag. 

Patuloy ang pagtugis sa grupo ni Sagasag na nakasagupa ng mga pulis. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.