Kuha ng patrollers: Mga litrato ng aksidente sa Tanay, Rizal

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2017 01:14 PM | Updated as of Feb 20 2017 01:39 PM

MANILA - Nadagdagan pa ang bilang ng namatay sa isang aksidente sa may Magnetic Hill, Peligrino Farm, Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal.

Bandang ala-una ng Lunes, mayroon ng 14 na kumpirmadong patay sa insidente.

Narito ang ilan sa mga kuha ng Bayan Patrollers na nasa lugar nang mangyari ang malagim na insidente:

Kuha ni Bayan Patroller Benedict Barrachiel

Kuha ni Bayan Patroller Edwina Osial

Kuha ni Bayan Patroller Jaime Dela Rosa, Jr.

Kuha ni Bayan Patroller Jaime Dela Rosa, Jr.

Nawalan umano ng preno ang bus na may lulang 50 pasahero na karamihan ay estudyante ng Bestlink College sa Novaliches.

Ang bus na inarkila mula sa Harana Tours, ay may plakang TXS 325.

Ilan sa mga sugatan ay nasa provincial hospital ng Rizal at isa pang ospital sa Tanay. Pero hindi pa masabi ni Engineer Carlos Inofre, hepe ng Tanay Disaster Risk Reduction and Management Office, ang kabuuang bilang ng mga sugatan.

Abangan ang mga magiging update sa aksidente rito.