2 menor de edad, sugatan nang masira ang carnival ride sa UPLB

Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2018 08:48 AM

LOS BAÑOS, Laguna - Dalawang menor de edad ang sugatan matapos masira ang sinasakyang "octopus" carnival ride sa Feb Fair ng University of the Philippines Los Baños, Huwebes ng gabi.

"'Yun pong isang ride ay nagkaroon po ng breakage 'yung isang bolt that's holding one of the bucket. Dahil wala na 'yung support, pumalo siya ngayon on the other tentacle na nandun din nakaupo," ani Dr. Roberto Visco, Assistant to the Vice Chancellor for Community Affairs ng UPLB.

Nagtamo ng mga sugat sa braso, kamay at likod ang mga bata na agad namang naisugod sa ospital.

Sinagot naman ng operator ng rides ang pagpapagamot sa mga bata.

Nakatakdang inspeksyunin ng mga inhinyero ang mga rides sa UPLB sa mga susunod na araw.

Bagamat suspendido muna ang mga rides sa UPLB, tuloy pa rin ang Feb Fair sa pamantasan hanggang Sabado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.