P1.2-M halaga ng shabu, nasabat sa Bacolod

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 04:58 AM

Nasabat ang 15 sachet o bulto ng hinihinalang shabu at tatlong elongated sachet sa tatlong umano'y drug pushers sa Bacolod City, Martes ng gabi.

BACOLOD CITY - Nakumpiska ang nasa P1.2 milyong halaga ng ilegal na droga sa Barangay Villamonte dito nitong Martes ng gabi.

Nasabat ang 15 sachet o bulto ng hinihinalang shabu at tatlong elongated sachet sa tatlong umano'y drug pushers.

Ayon sa City Drug Enforcement Unit, ang isa sa tatlo ay nasa listahan ng high-value target ng Bacolod City Police Office.

Ayon kay police Senior Supt. Francisco Ebreo, OIC city director ng BCPO, ilang buwan ding minanmanan ng CDEU ang high-value target.

At ang nakuhang droga sa ngayon ang pinakamalaking huli sa lungsod ngayong taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.