'No. 1 most wanted' ng Malabon, arestado

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 07:57 AM

Arestado ang no. 1 most wanted person ng Malabon police matapos ang 3 taong pagtatago sa awtoridad.

Natunton ng mga operatiba si Alvin Alejandro, 41-anyos, sa isang bahay sa Barangay Camanci, Batan, Aklan.

Nahaharap si Alejandro sa kasong murder kaugnay sa pagpatay sa kalaro nito ng pool noong 2015.

Inamin ng suspek na nasaksak niya hanggang mapatay ang kalaro.

Ayon kay Senior Insp. Johnny Baltan ng Malabon police, hindi na pumalag ang suspek sa operasyon.

Hinuli si Alejandro sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Celso Magsino Jr. ng Malabon Regional Trial Court Branch 74. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.