Lalaking nagnakaw ng tsokolate para pang-regalo sa Valentine's, tiklo

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 04:54 AM

Arestado ang isang lalaki matapos mahuling magnakaw ng tsokolate sa isang mall sa Pasay para pang-regalo ngayong Valentine's Day.

Kinilala ang suspek na si Mervin Dotullo, 20-anyos, residente ng Dasmariñas, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ng Pasay police, nahuli ng isang guwardiya sa mall ang suspek Martes alas-9:35 ng gabi.

Pang-regalo umano sana ni Dotullo ngayong Valentine's Day ang tsokolate, kuwento ng isang pulis sa ABS-CBN News.

Aabot sa P684 ang halaga ng ninakaw na tsokolate.

Desido naman ang pamunuan ng mall na sampahan ng kasong theft si Dotullo.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek at ang pulisya ukol sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.