Gumuhong tulay sa Agusan del Norte madaraanan na

May Diez, ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 11:12 AM

JABONGA, Agusan del Norte - Maaari nang makadaan ngayong Miyerkoles ang ilang mga sasakyan sa Puyo Bridge sa Barangay Bangonay na gumuho kahapon dahil sa bagyong "Basyang."

Ayon sa Department of Public Works and Highway, bawal pa rin dumaan ang malalaking sasakyan tulad ng trak dahil hindi pa ito kaya ng steel beam na kanilang inilagay.

Matatandaang gumuho ang Puyo Bridge dahil sa pagragasa ng tubig sa ilog.

Sa kabila nito, hindi pa rin makakadiretso ang mga pasahero na patungong Surigao City dahil sa nasirang tulay ng Jaliobong sa bayan ng Kitcharao.

Mga motorsiklo pa lamang ang makadadaan sa tulay na ito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.