3 dalagita nasagip mula sa 'bugaw'

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 09:21 AM

LUCENA, Quezon - Nailigtas ng mga awtoridad ang 3 menor de edad na ibinubugaw umano ng isang babae sa mga lalaking parokyano sa isang hotel sa bayan na ito, Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nagsumbong sa kanila ang guardian ng isa sa mga biktima ukol sa pambubugaw rito ng suspek gamit ang cellphone.
 
Naaresto ng mga awtoridad ang 18-anyos na suspek na si Myrjane Lavarnez Cayasa sa entrapment operation sa 101 Hotel, Barangay Bocohan.

Inilagay naman sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang mga biktima, kung saan 2 ang edad 16 at isa ang 17-anyos.

Isa sa mga biktima ay hindi nag-aaral habang ang 2 pa ay nasa Grade 9 at 10.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.

Ulat ni Ronilo Dagos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.