Buffet restaurant sa Pasay, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2018 12:48 PM

Nakuhanan ng mga larawan ni Bayan Patroller Mhannie Medilo ang sunog sa Buffet 101 restaurant sa SM By the Bay, Pasay City, pasado alas-11 ng umaga, Martes.

Kuha ni Bayan Patroller Mhannie Medilo

Makikita sa mga larawan ang makapal at maitim na usok na nagmumula sa natutupok na restaurant.

Kuha ni Bayan Patroller Mhannie Medilo

Ayon kay FO1 Frederico Enero ng Pasay City Central Fire Station, pasado alas-11 ng umaga nang pumalo sa unang alarma ang sunog.

Naideklarang fire out ang sunog ng 11:53 ng umaga.

Walang naiulat na nasugatan sa insidente habang patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.