Lalaki, patay sa engkwentro sa Tondo

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2018 05:24 AM

Patay ang isang lalaki matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay 120, Tondo, Maynila Biyernes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Marvin Asuncion na sangkot umano sa pagpatay ng kanyang kapitbahay.

Nagsagawa ng follow-up operation ang Manila Police District Station 1 alas-4 ng hapon laban sa suspek.

Pumasok si Asuncion sa kanilang bahay nang huhulihin na sana.

Nakipagpalitan ito ng putok sa mga pulis at napatay matapos matamaan ng bala ng baril.

Ayon kay Supt. Jay Dimaandal, hepe ng MPD Station 1, sangkot ang suspek sa pagpatay kay Alvin Margarejo.

Palaisipan pa kung bakit pinatay ni Asuncion at isa pa nitong kasamahan ang biktima.

"Notorious itong mga ito. Kahit mga witnesses, pipi at bingi sa takot sa mga suspek," dagdag ni Dimaandal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.