Preso, tinangkang pumuga sa Aklan

Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 11:22 AM

Kalaboso ang inmate na si Glenn Alvin Orille matapos na mahuli nang tangkaing tumakas mula sa kanyang mga bantay sa Kalibo, Aklan. Photo courtesy of Archie Guray Hilario

KALIBO, Aklan – Naunsiyami ang pagtakas ng isang preso sa Kalibo Aklan, Huwebes ng umaga.

Dinala umano ng provincial guards ng Aklan Rehabilitation Center (ARC) sa Public Attorney’s Office sa Kalibo ang inmate na si Glenn Alvin Orille, 43-anyos. Pero habang pasakay na umano si Orille ng service vehicle ng ARC ay bigla itong tumakbo.

Agad naman siyang hinabol at nakorner ng kanyang mga bantay

Ipinagbigay-alam na ng provincial guards ang insidente sa Kalibo police.

Si Orille ay naaresto kasama ng kanyang asawa noong nakaraang buwan sa kasong hit-and-run. Naakusahan din siyang nanloob at nanlimas ng mga gamit sa ilang mga bahay sa Kalibo matapos na madiskubre ng awtoridad mula sa kanilang sasakyan ang ilang cellphones, laptops at iba pang nakaw na kagamitan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.