Barker na nagbebenta ng droga sa mga driver, arestado

Isay Reyes, ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 10:36 AM

Arestado ang isang barker sa isinagawang buy-bust sa Cubao, Huwebes.

Dinampot ng mga awtoridad si Ceasar Prado matapos makuhanan ng iligal na droga na aabot sa P3,000.

Nagbebenta umano ng iligal na droga sa mga jeepney driver sa 12th Avenue at Tuazon sa Quezon City ang suspek, sabi ng mga pulis.

Giit naman ni Prado, napag-utusan lamang siya na bilhin ang droga.

"Pinabili lang po sakin. 'Yung pinagkukuhaan ko po sa Angono," ani Prado.

Haharap ang barker sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.