3 umano'y adik, timbog sa buy-bust sa hotel sa Cubao

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 07:01 AM

Arestado ang 3 dating preso sa isang buy-bust sa isang hotel sa Cubao, Quezon City, Huwebes ng gabi.

Nakuha ang 42 pakete ng shabu mula sa mga suspek na sina Jek Jek Roxas, Jun Angeles, at Amara Panga.

"Dati na po ako gumagamit. Meron po akong kinukuhanan. Gumagamit po pero hanggang doon lang," pag-amin ni Angeles.

Itinanggi naman ni Panga na may kinalaman siya sa naganap na bentahan at iginiit na napasama lamang siya kina Roxas at Angeles.

Ayon sa mga pulis, mga miyembro ng Bahala na Gang ang 3 suspek. 

Iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang hotel dahil ito na ang pangalawang pagkakataon na nakahuli ng mga nagbebenta ng droga sa lugar.

"Dapat yung mga hotel i-monitor niyo rin yung kilos ng inyong mga guest kung may kahina hinalang kilos," ani Chief Supt. Guillermo Eleazar, district director ng Quezon City Police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.