Dapat bang ikulong agad ang pulis na inaakusahang tiwali?

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2017 06:04 PM | Updated as of Feb 09 2017 06:38 PM

Pinag-aaralan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung paano mas mapapabilis ang pagpapakulong at pagresolba sa kaso ng mga tiwaling pulis. 

Sa panayam ng DZMM, inihayag ni DILG Secretary Ismael Sueno na tinitingnan ng mga abogado ng ahensiya kung maaaring makulong agad ang mga tiwaling pulis basta't may matibay na ebidensiya, sa halip ng paglalagay lamang sa kabila sa holding area. 

"Parang opisina lang din ang holding office. Kung lalabas iyung na-confine doon ay sasamahan pa ng pulis," ani Sueno. 

Talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng ilang pulis na iniimbestigahan dahil sa mga umano'y paglabag, Martes. Malacañang/Reuters

Inamin din niya na may ilang munisipyo kung saan kontrolado ng mga alkalde ang pulis, at magkakuntsaba umano ang mga ito kaya naibabalik agad sa puwesto ang mga tiwali.

Katunayan aniya, noong nakalipas na administrasyon ay mayroong 47 pulis na naibalik sa puwesto nang hindi dumaan sa proseso ng National Police Commission (Napolcom). 

Pinag-aaralan na ng DILG ang pagpapawalang-bisa sa reinstatement ng mga ito

DZMM TeleRadyo, 9 Pebrero 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.