Palasyo minaliit ang pag-arangkada ng ICC case laban kay Duterte

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2018 09:46 PM

Sisimulan na ng International Criminal Court (ICC) ang preliminary examination kaugnay ng alegasyon ng human rights violations sa kontrobersiyal na "war on drugs" ng pamahalaan.

Ikinatuwa ito ni Sen. Antonio Trillanes IV at sinabing ito'y unang hakbang sa pagkamit ng hustisya ng pamilya ng mga biktima ng umano'y human rights violations ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

"I welcome the ICC's decision to conduct preliminary examination on Duterte's crimes against humanity...More importantly, this is the first step for the victims' families' quest for justice," ani Trillanes.

Umaasa naman si Atty. Jude Sabio, ang nagsampa ng kaso sa ICC, na pagkatapos ng preliminary examination ay maglalabas ito ng warrant of arrest laban kina Duterte at 11 pang opisyal ng gobyerno.

"I am confident that, based on my communication, as well as that of Sen. Trillanes' and Rep. [Gary] Alejano's, we will hurdle this first big step, and hopefully a warrant of arrest will be issued soon by the ICC against Duterte and his cohorts," ani Sabio. 
    
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, aksaya lang sa oras at resources ang hakbang ng ICC, dahil ang kaso laban kina Duterte ay hindi sakop ng jurisdiction ng nasabing tribunal.

        
"The ongoing war against drugs is an exercise of police power. It cannot be characterized as an attack against civilian populations because they are civilians. It is a lawful use of force," depensa ni Roque. 

Dagdag ni Roque, hindi pa dapat magbunyi ang mga kritiko ni Duterte dahil mapapahiya lamang ang mga ito sa huli. 

“No one should claim victory...So if they think they have indicted the President, that is so wrong. They wish...Obviously this is intended to embarrass the President but the President is a lawyer. He knows what the procedures are. They will fail,” ani Roque.

Inaakusahan si Dutere ng malawakang paglabag sa karapatang pantao dahil sa kaniya umanong bayolente at sistematikong pagtugis sa mga sangkot sa droga. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.