Ex-Ilocos Norte mayor nahulihan ng mga ilegal na baril, arestado

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2018 12:30 PM

Inaresto si dating Paoay Mayor Dolly Clemente dahil sa paglabag umano sa Comprehensive Firearm Law. ABS-CBN News

Inaresto ang dating alkalde ng Paoay, Ilocos Norte ngayong Huwebes dahil sa pag-iingat ng ilang ilegal na baril sa kaniyang tahanan.

Nadiskubre ng mga pulis sa bahay ng dating mayor na si Dolly Clemente ang 2 M-16 rifle, 2 shotgun at 2 baril na kalibre .38 at 45. Nakuha rin doon ang ilang magazine at bala. 

Ani Clemente, pag-aari ng kaniyang namayapang asawa, na naging alkalde rin ng bayan, ang mga baril.

Inaresto si dating Paoay Mayor Dolly Clemente dahil sa paglabag umano sa Comprehensive Firearm Law. ABS-CBN News

May lisensya aniya ang mga ito at pinoproseso na para mailipat sa kanyang pangalan, maliban sa isang shotgun na ngayon lamang umano niya nakita.

Dagdag nito, may bahid politika ang motibo ng search operation at nais siyang ipahiya ng may pakana nito. 

Inaresto si dating Paoay Mayor Dolly Clemente dahil sa paglabag umano sa Comprehensive Firearm Law. ABS-CBN News

Iginiit naman ni Senior Insp. Grandeur Tangonan, hepe ng Paoay police, na walang kaukulang dokumento ang ilang baril kaya kakasuhan si Clemente ng paglabag sa Comprehensive Firearm Law. 

Ulat ni Denis Agcaoili, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.