Lalaki pinaslang umano ng karelasyon ng asawa

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 09:49 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patay ang isang lalaki matapos umanong sasaksakin ng karelasyon ng kaniyang misis sa isang barong-barong sa Diliman, Quezon City nitong Martes ng gabi.

Ayon sa mga mga kapitbahay, hinanap ng biktimang si "Paul" ang asawang si "Mika" sa bahay na pag-aari ng kalaguyo umano nito sa Manansala Street, Pook Amorsolo na sakop ng UP campus.

Nahatak umano palabas ng biktima si Mika at saka umalis. Pero makalipas lang ang ilang minuto, bumalik sa bahay si Paul sa pag-aakalang muling pumunta muli roon ang misis.

Nagsisigaw umano si Paul at nagbantang manggugulo kapag hindi lumabas ang asawa.

Dito na umano nagpambuno ang biktima at ang umano'y kalaguyo ng misis na si "Gary" sa loob ng bahay.

Maya-maya, lumabas si Gary nang duguan at tumakas. Tumambad naman sa mga kapitbahay ang bangkay ni Paul na tadtad ng saksak.

Tinutugis ng mga pulis si Gary habang pinaghahanap ang misis ng biktima.

Umagang Kay Ganda, 7 Pebrero 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.