Istasyon ng pulis sa Zamboanga del Norte, nakatanggap ng banta mula sa NPA

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 09:47 PM

Nakatanggap umano ang Mutia Police Station sa Zamboanga del Norte ng banta mula sa New People's Army.

Ayon kay Police Inspector Antonio Tapales, officer-in-charge ng istasyon, nakatanggap sila ng intelligence report na may plano ang NPA na lusubin ang kanilang istasyon.

"There are sightings in the adjacent area in Conception and Don Victoriano so it’s possible that they will be coming here," ani Tapales.

Isa ang Mutia sa mga high-risk municipalities sa lalawigan.

Pinayuhan na rin ang mga residente na agad i-report sa pulisya kung may makitang kahina-hinalang mga tao o aktibidad sa lugar.

Humingi na ng ayuda ang lokal na istasyon sa Provincial Public Safety Company at sa Philippine Army.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.