Paligsahan sa paggawa ng 'sailing-inspired furniture' ginanap sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2018 06:56 PM | Updated as of Feb 06 2018 08:32 PM

GUIMARAS - Nagpagalingan sa paggawa ng mga muwebles mula sa iba't ibang bahagi ng mga sasakyang pandagat ang ilang residente dito bilang bahagi ng taunang Paraw Regatta Festival.

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

Ang ilang sagwan ay ginawang hapag kainan, habang nagsilbi namang side table at wine rack ang mga manibela ng barko.

Ang ilang kaha ng bangka ay ginawa ring mga sofa o kaya naman ay mga tukador.

Ang ilang residente ay gumawa naman ng maliliit na replica ng mga barko.

Ginawa ang mga "sailing-inspired furniture" upang ipamalas ang galing ng mga lokal sa woodcrafting at paggawa ng mga muwebles.

Ayon sa mga opisyal, iaanunsiyo ang mga nanalo sa Sabado.

Ang exhibit at kompetisyon ay isa lamang sa mga aktibidad sa Paraw Regatta Festival na itinuturing na pinakamatandang sailing event sa Asya.- ulat mula kay Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.