Bahagi ng Roxas Boulevard, isasara para sa fun run

Zhander Cayabyab, DZMM

Posted at Feb 04 2017 01:33 PM | Updated as of Feb 04 2017 01:50 PM

MANILA - Nakatakdang isara ang isang bahagi ng Roxas Boulevard Linggo ng umaga para sa isang fun run, ayon sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit.

Isasara ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo street mula 4 a.m. hanggang matapos ang takbuhan ng 8 a.m.

Isang rerouting scheme ang ipapatupad ng mga otoridad, kung saan ang mga sasakyang southbound galing ng Bonifacio Drive ay hindi makakadaan sa Luneta kundi kakaliwa na sa P. Burgos Avenue. 

Ang mga galing naman sa mga tulay ng Quezon, McArthur at Jones ay sa Taft Avenue dapat dumiretso, at hindi sa Roxas Boulevard.

Hindi maaapektuhan ang daloy ng trapiko ng mga sasakyang dadaan sa northbound lane ng Roxas Boulevard.

Payo ng mga otoridad, maaaring gamitin ng mga motorista ang mga kalye ng MH Del Pilar, Ocampo, Adriatico at iba pang daan sa Ermita bilang alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.