SAPUL SA CCTV: Salpukan ng 2 motorsiklo sa Pangasinan

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2018 08:38 AM

Nakuhanan sa CCTV ang salpukan ng 2 motorsiklo sa Barangay Sta. Maria, San Jacinto sa probinsya ng Pangasinan Linggo ng hapon.

Bumangga ang motorsiklo na minamaneho ni Rocky Briones, 28, sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Rhey Comesario, 38-anyos.

Base sa imbestigasyon, sumubok na um-overtake si Briones sa isang pick-up truck kaya nangyari ang aksidente.

Malubhang nasugatan ang dalawang rider at nagpapagaling pa rin sa ospital.

Ayon kay Insp. Marlo Gamboa, deputy chief ng San Jacinto police, madalas ang aksidente sa naturang lugar.

"Madami tayong signage dun sa lugar. Madalas dun kasi kurbada. Accident-prone 'yung lugar na 'yun," aniya.

Maiiwasan naman ang mga ganitong aksidente kung mag-do-doble ingat ang mga motorista.

"Dapat maging defensive driver sila. Kapag um-overtake, tingnan nila kung malinis ang daan," dagdag ni Gamboa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.