Isa sa most wanted sa rehiyon ng Ilocos, nasakote sa Quezon

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2018 09:41 PM

Arestado ang isa sa most wanted persons sa rehiyon ng Ilocos matapos hainan ng warrant of arrest sa bayan ng Mulanay, Quezon ngayong Huwebes.

Hawak na ng mga awtoridad si Frankie Abellano na sangkot sa kasong murder at frustrated murder sa Anda, Pangasinan noong Nobyembre 29, 1999.

Ayon sa pulisya, 19 na taong nagtago si Abellano sa Maynila at ilang parte ng Lucena sa Quezon.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Lucena City Police si Abellano na nakatakdang ibiyahe patungong Pangasinan sa Lunes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.