9 na lalaki, timbog sa buy-bust sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2018 05:02 AM


Kuha ni Fred Cipres, ABS-CBN News
Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang 9 na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Marikina Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang mga hinuli na sina Jeth Canlas, Rodolfo Enriquez, Luis Apostol, Romel Enriquez, Marvin Enriquez, Alexander Subrado, Luciano Cambronero, Angelo Azul at Jay-ar Esteron.

Ayon kay Senior Insp. Jacqueline Ta-a ng Marikina police, target ng operasyon ay sina Canlas, Enriquez, at Apostol.

Ikinasa ng drug enforcement unit ang buy-bust sa bahay ni Enriquez, alyas Bong, sa Barangay Fortune.

Isang police poseur buyer ang bumili ng shabu na nagkakahalaga ng P500.

Nang magkaabutan na ay sinenyasan na ng operatiba ang mga kasamahan niya.

Lumusob ang mga operatiba at nakita na may anim pang lalaki na umano'y nag-po-pot session.

Nakuha mula sa kanila ang apat na bulto at apat na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P150,000; drug paraphernalia; at weighing scale.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.