3 mangangalakal ng basura, tiklo sa shabu

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2018 05:05 AM

Arestado ang tatlong mangangalakal ng basura matapos mahulihan ng shabu sa Tondo, Maynila Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Romeo Lacuesta, Danilo Prado, at Jane Soliman.

Nahuli ang tatlo sa Delpan, Tondo.

Dinampot sila dahil sa pagsusugal ngunit nakuhaan sila ng tatlong sachet ng shabu at P900.

Aminado sila na gumagamit ng ilegal na droga.

Kumikita sila ng P200 sa pangangalakal ng basura pero ibinibili nila ng shabu ang kalahati nito.

"Paminsan minsan lang kami kasi may mga anak kami. Para lang din magising sa pangangalakal namin," ani Soliman.

Si Lacuesta ay todo naman ang pagsisisi.

"Magpaparehab na lang po ako," aniya.

Mahaharap sila sa kasong illegal gambling at illegal possession of drugs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.