800 pasahero ng MRT-3 pinababa dahil sa 'electrical failure'

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2018 09:17 AM

MANILA - Tinamaan ng panibagong aberya ang isang tren ng MRT-3, dahilan para pababain nang wala sa oras ang 800 pasahero sa gitna ng rush hour ngayong Miyerkoles. 
 
Nag-unload ng mga pasehero ang southbound na tren sa Ortigas station alas-8:21 ng umaga, ayon sa service status report ng MRT-3. 
 
Nangyari umano ang electrical failure ng makina dahil sa kalumaan ng mga piyesa. 

Nakasakay naman ang mga apektadong pasahero sa sumunod na tren makalipas ang 8 minuto. 

Ito na ang ikatlong beses na nag-unload ng mga pasahero ang MRT ngayong linggo. 

Pitong beses namang nagpababa ng mga pasahero ang MRT mula Lunes hanggang Biyernes nitong nakaraang linggo, batay sa website ng MRT

Siyam sa 22 tren ng MRT ang tumatakbo, alas-9 ng umaga. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.