2 patay matapos mabaril ng pulis sa buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2018 08:17 AM | Updated as of Jan 28 2018 07:33 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Patay ang dalawa umanong drug pusher matapos makaengkwentro ang mga pulis sa isang buy-bust operation sa Brgy. Payatas-B, Quezon City pasado 3:00 a.m. ng Linggo.

Ayon sa mga pulis, bumili ang kanilang operatiba ng P1,000 halaga ng shabu mula sa dalawa na kinilala lamang bilang alyas Job at Abies. 

Aarestuhin na sana ang dalawa matapos magkaabutan ng pera 
nang bigla silang nagpaputok. 

Tumakas sila sakay ng motorsiklo at dito na nagkahabulan. 

Umabot sila sa Mangahan Subdivision kung saan nakorner ang mga lalaki at napatay. 

Sabi ng mga pulis, dalawang linggo na nilang minamanmanan ang ga suspek matapos makatanggap na talamak ang bentahan ng shabu sa Payatas at Commonwealth.

Narekober ang dalawang baril at siyam na sachet ng hinihinalang shabu.

-- Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.