1 patay, 2 sugatan matapos matumbahan ng puno ng niyog

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2017 12:44 PM

Photo by Chastine Montano, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Biglaan ang pagkamatay ni Salvacion Oliveros matapos matumbahan ng puno ng niyog sa Barangay Tacunan, Mintal District, Davao City Miyerkules ng tanghali.

Kwento ng mga kapitbahay, dumalo sila sa padasal sa kanilang kapitbahay dahil fiesta sa kanilang lugar nang biglang natumba ang puno ng niyog.

Nadaganan si Oliveros habvang sugatan naman ang dalawa pa niyang kasamahan na sina Lourdes Roxas-Villar at Nieves Llera na isinugod sa ospital dahil sa mga galos at pasa.

Mahina lang ang hangin nang mangyari ang insidente, pero lumambot ang pundasyon ng niyog dahil sa walang tigil na pag-ulan sa lugar.