2 bahay tupok sa sunog sa Iloilo

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2018 01:28 PM

MOLO, Iloilo - Dalawang bahay ang natupok sa pagsiklab ng sunog sa Barangay East Baluarte dito sa bayan, Huwebes.

Ayon sa residenteng si Melvin Casiano, nagsimulang lumiyab ang ibabang bahagi ng kaniyang boarding house matapos marinig ang isang pagsabog sa lugar.

Agad na kumalat ang apoy sa katabi nitong bahay na pagmamay-ari ni Corazon Baclagon.

Hindi pa sinasabi ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng pagsabog.

Ayon sa mga bombero, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil halos isang kilometro ang layo ng sunog mula sa main road.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung magkano ang halaga ng ari-arian na nasira dahil sa insidente.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.