Trak tumagilid sa Davao, 2 patay

Angelo Caballero, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2017 02:28 PM

DAVAO CITY - Dalawa ang patay matapos tumagilid ang isang trak sa Purok San Miguel, Barangay Gumalang sa Baguio district, Miyerkules ng umaga.

Dead on the spot ang truck driver na si Larry Inso habang nasawi rin ang isang alyas "Loloy" matapos ang mahigit dalawang oras na pagkakaipit sa sasakyan.

Nailigtas naman ang isang Joven Milla na nakisakay lamang sa truck.

Kuwento ni Milla, hindi na niya namalayan ang nangyari dahil nakainom siya at nakatulog sa biyahe.

Galing sa downtown area ng Davao ang trak at papunta sana sa Cagayan de Oro para mag-deliver ng ng construction materials.

Ayon kay traffic investigator PO1 Ferylan Bas, bumangga ang trak sa mga barandilla sa gilid ng highway bago ito tumagilid at dumiretso sa kabilang lane.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.