Measles outbreak idineklara sa Davao City

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2018 11:12 PM

DAVAO CITY - Nagdeklara ng measles outbreak ang Davao City Health Office (CHO) matapos lumobo sa 224 ang suspected measles cases sa buong lungsod.

Sa 224 suspected measles cases, 121 ang nakaconfine sa ospital habang nasa 16 naman ang kumpirmadong nagka-tigdas at 4 na ang namatay.

Sa 182 barangays ng lungsod, 38 dito ang apektado ng measles outbreak.

Pinkamaraming suspected measles cases sa Barangay 23-C Mini Forest na may naitalang 60 na kaso at dalawa na ang namatay dito.

Nagsagawa na rin ng Outbreak Response Immunization ang Davao CHO upang mamonitor at maagapan ang pagkalat ng sakit.

Nagsimula ang measles monitoring ng Davao CHO noong Nobyembre 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.