3 lalaki umawat sa rambol, nasaksak

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2018 07:12 AM

MANILA - Nasa kritikal na kondisyon ang 3 lalaki matapos masaksak nang umawat sa rambol sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, Lunes.

Ayon sa kinakasama ng isa sa mga biktima, tinulungan ng grupo ang kanilang kaibigan na binubugbog ng magkapatid na sina Rommel at Michael Soriano.

Ginantihan aniya ng magkakaibigan ng gulpi ang magkapatid, pero biglang naglabas si Rommel ng kutsilyo at pinagsasaksak sila.

Naabutan naman ng mga barangay tanog ang mga suspek na umaakyat sa bubong ng isang bahay para tumakas.

Nahuli sila at umaming nakainom. Mahaharap ang magkapatid sa kasong frustrated homicide.

Inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center ang mga sinaksak na sina Reuben Monterola, Jose Patan-ao Jr. at Jonathan Eklado.

Dinala rin sa ospital ang nabugbog nilang kaibigan na si Gerald Aklado.

Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.