Lalaki arestado dahil sa P600-K shabu

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2018 11:45 AM

Makikitang naka-posas ang isang suspek na nahuli sa drug buy-bust operation sa Naga. Katabi niya ang ilang pakete ng droga na nakuha umano mula sa kainya. ABS-CBN News

NAGA, Camarines Sur - Inaresto ang isang lalaki matapos mahulihan ng P600,000 halaga ng hinihinalang shabu sa bayang ito ngayong Linggo ng madaling-araw.

Nakumbinsi ng mga pulis si Rodel Camaro, 36, na magbenta ng P28,000 sa isang operatiba.

Nang tanggapin ni Camaro ang marked money, hinuli siya at nakuhanan ng 60 gramo ng droga na nakasilid sa 12 pakete, gayundin ang isang pouch na may 50 gramo ng shabu.

Igiiit ng suspek na inilagay lang sa kaniya ng mga pulis ang bawal na gamot.

Gayunman, mahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Ulat ni Jessa Mylce Mella, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.