Ilang bahagi ng Maynila, mawawalan ng tubig simula Lunes

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2018 03:08 PM

Mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Maynila simula Lunes, Enero 15.

Sa abiso ng Maynilad, magkakaroon ng water interruption simula alas-10 ng gabi ng Lunes hanggang alas-4 ng madaling araw ng Martes, Enero 16 sa mga sumusunod na lugar sa Maynila:

  • Moriones
  • Sta. Maria
  • Velasquez
  • Juan Luna
  • Brgys. 57, 59, 60-65, 74-76, 78

Simula naman alas-10 ng gabi ng Martes hanggang alas-4 ng madaling araw ng Miyerkoles, Enero 17, mawawalan ng tubig sa mga sumusunod na lugar:

  • Lakandula
  • Sto. Cristo
  • Zaragosa
  • C.M. Recto
  • Creek
  • Moriones
  • Brgys. 1-4; 6-9

Magkakaroon din ng water interruption sa mga sumusunod na lugar simula alas-10 ng gabi ng Miyerkoles hanggang alas-4 ng madaling araw ng Huwebes, Enero 18:

  • Moriones
  • Juan Luna
  • Estero de la Reina
  • Brgys. 56, 58; 60-61

Mawawalan din ng tubig simula alas-11 ng gabi ng Miyerkoles hanggang alas-3 ng madaling araw ng Huwebes, Enero 18 ang mga sumusunod na lugar:

  • Honorio Lopez Boulevard
  • Malaya
  • Simeon de Jesus
  • R Nicasio
  • Brgys. 124-127

Simula naman alas-11 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-3 ng madaling araw ng Biyernes, Enero 19, mawawalan ng tubig sa mga sumusunod na lugar:

  • Quiricada
  • Rizal Avenue
  • Mayhaligue
  • T. Alonzo
  • Ipil
  • Brgys. 261, 326-328; 332-324

Ayon sa Maynilad, bahagi pa rin ito ng kanilang pagpapabuti ng serbisyo sa mga konsumer.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.