QCPD, nagbabala sa mga lasenggong pulis

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2018 10:47 AM | Updated as of Jan 13 2018 10:48 AM

Nagbigay babala si Quezon City Police District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar sa mga kapulisan na nagwawala kapag nalalasing.

Ito ay kasunod ng pagkakaaresto kay PO1 Marcos Laggui na nakatalaga sa Police Community Precinct 5 ng Caloocan Police.

Payo ni Eleazar, kung iinom, tiyaking kayang dalhin ang sarili, idiretso ang alak sa tiyan at hindi sa utak.

Inaresto si Laggui kasama ang kapatid na si Julian Laggui at isang Daniel Guillermo matapos umano magwala, magpaputok at manutok ng baril nang sitahin ng barangay tanod na si Ruben Soriano sa Agujo Street sa Project 3.

Unang nagpaputok umano paitaas si PO1 Lagui bago tinutukan ang barangay tanod.

Ayon kay Eleazar, kailangang harapin ni PO1 Laggui ang mga kasong indiscriminate firing at alarm and scandal na isasampa laban sa kaniya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.