Mga naisalbang damit mula sa nasunog na mall sa Davao, ibebenta ulit

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2018 03:02 PM

 

DAVAO CITY - Nakabalot na ng plastic at malalaking bag ang mga panindang damit na naisalba mula sa isang parte ng NCCC mall na hindi nasunog.

Kinuha ito ng ibang tenant matapos magbigay ng pahintulot ang Inter-Agency Anti-Arson Task Force at management ng mall na puwede nang kunin ang hindi nasunog na tinda.

Ayon sa negosyanteng si Joel Alagon, sumali sila sa 5 araw na Christmas bazaar bago nasunog ang mall.

Ani Alagon, kailangan niyang ibenta ulit ang mga damit para makabawi sa kapital.

Istrikto naman ang mga guwardiya at bantay sarado sa mall para hindi malusutan ng mga kawatan lalo't may mga mamahaling gamit pa sa loob ng mall ang hindi nasunog.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.