LTFRB, magbubukas ng mga one-stop shop para sa mga pampublikong sasakyan

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2018 01:41 PM | Updated as of Jan 12 2018 01:56 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Magbubukas ng mga one-stop shop para sa mga pampublikong sasakyan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na linggo upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga operator at driver.

Maaaring isangguni sa mga one-stop shop ang mga kaso at katanungan ukol sa mga pag-upgrade ng pampasada, permit, at iba pang kailangan ng mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan, ani Aileen Lizada, tagapagsalita ng LTFRB. 

"We want to know saan tumatagal, saan ang delays para ma-fast track so we can attend to the operators. 'Pag na-delay mga operator, apektado rin mga mananakay dahil less public utility vehicles on the road," ani Lizada sa panayam ng DZMM.

May schedule na inihanda ang LTFRB para sa iba't ibang uri ng pampublikong sasakyan na nais sumangguni.

Ang mga LTFRB one-stop shop sa iba't ibang bahagi ng bansa ay magbubukas sa mga sumusunod na araw para sa mga sumusunod na sasakyan: 

  • Enero 15-19 - public utility bus
  • Enero 22-26 - taxi
  • Enero 29-Pebrero 2 - jeep
  • Pebrero 5-9 - UV Express at mga truck for hire 
  • Pebrero 12-16 - School bus at mga tourist transport services
  • Pebrero 19-Marso 2 - ride-hailing services

"Dalhin ninyo ang mga case folders niyo, i-prepare 'yung mga dokumento (na isasangguni) at kung ano 'yung concerns and case numbers," paalala ni Lizada sa mga nais magtungo sa mga one-stop shop.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.