Piskal ng QC, patay sa pamamaril

Fred Cipres, DZMM

Posted at Jan 11 2017 09:34 AM

MANILA - Patay ang isang piskal ng Quezon City Hall of Justice matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek, Miyerkules.

Naglalakad ang biktimang si Prosecutor Noel Mingoa habang may kausap sa telepono nang tapatan siya ng isang itim na sasakyan sa Commonwealth Avenue, Old Balara, ayon kay Senior Superintendent Guillermo Eleazar, hepe ng Quezon City Police District (QCPD).

Mula aniya sa sasakyan ay bumaba ang isang gunman, nilapitan ang biktima at pinagbabaril.

Agad namang sumakay muli ang suspek sa sasakyang mabilis na humarurot palayo sa crime scene.

Hindi naplakahan ng mga saksi ang sasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng QCPD sa insidente.