76 na pawikan hatchlings, pinakawalan sa dagat sa Camarines Sur

Kate Delovieres, ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2018 10:29 PM

Nasa 76 na pawikan hatchlings ang pinakawalan sa dagat ng Caranan, bayan ng Pasacao, Camarines Sur ngayong Sabado. Kate Delovieres, ABS-CBN News

Pinakawalan ang 76 na pawikan hatchlings sa dagat ng Caranan, bayan ng Pasacao, Camarines Sur Sabado ng hapon.

Ayon sa pagsusuri, olive ridley sea turtle ang species nito na may habang 4 centimeters bawat isa. 

Kwento ng may-ari ng resort kung saan nakuha ang hatchlings, isang bakasyonista na nag-night swimming ang nakapansin dito. 

Muntikan pa nga raw matapakan ang mga ito bago mapansing isang uri ng pawikan ito. 

Natunton ang hukay kung saan napisa ang mga itlog na tinatayang nasa 14 metro ang layo sa tubig. Nasa 83 itlog sana ang mga ito, pero namatay ang apat at hindi na napisa ang tatlong itlog.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, nasa 75 hanggang 90 araw o tatlong buwan bago mapisa ang mga itlog ng pawikan. Sa isang grupo ng mga itlog ng pawikan, isa lamang daw ang nabubuhay rito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.