Bongbong bumisita sa burol ni Mel Lopez

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2017 08:41 PM

Inillipat ang mga labi ni dating Manila Mayor Mel Lopez sa Manila City Hotel para sa necrological service na pinangunahan ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Bumisita rin nitong Huwebes ng umaga si dating Senador Bongbong Marcos sa burol ng dating alkalde ng Maynila.

Hindi nagpaunlak ng panayam si Marcos, at nakiramay na lang sa naulilang pamilya ni Lopez.

Humingi rin ng privacy ang pamilya Lopez matapos ang isinagawang parangal ng pamahalaan ng Maynila. 

Nakatakdang ilibing si Lopez sa Heritage Park sa Taguig sa Sabado.

Pumanaw si Lopez sa edad na 81 noong Enero 1 sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, kung saan siya ay naka-confine mula noong Disyembre 22.

Nagsilbing alkalde ng Maynila si Lopez mula 1986 hanggang 1992.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.