Lalaki, patay matapos hampasin ng bato sa Baseco

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 10:03 AM

Patay ang isang lalaki matapos hampasin ng bato sa ulo sa Baseco Compound sa Maynila, Miyerkoles ng madaling araw.

Basag ang bungo ng biktimang hindi pa nakikilala ng mga awtoridad. 

Natagpuan ang biktimang nakasuot ng pulang t-shirt at puting shorts na hawak pa ang bato na may bakas ng dugo.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.