664 pamilya, lumikas na dahil sa pagbaha sa Capiz

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 01:30 PM

Cherry Palma, ABS-CBN News

Hindi bababa sa 664 na pamilya ang lumikas na mula sa 125 na barangay na apektado ng pagbaha sa probinsiya ng Capiz, ayon sa mga lokal na opisyal. 

Kinansela na ang klase sa lahat ng antas sa probinsya dahil karamihan sa mga kalsada at taniman ay lubog na sa baha, kabilang ang mga nasa bayan ng Maayon, Sigma, Cuartero, Mambusao, Dumalag, Dao, Panit-an, Pontevedra, Dumarao, Pan-ay, Tapaz, at President Roxas.

Cherry Palma, ABS-CBN News

Inaasahan na huhupa ang baha sa loob ng 2 linggo, ani Speed Pelaez, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Isa sa sanhi ng madalas na pagbaha sa probinsiya ay ang kawalan ng regulasyon laban sa pamumutol ng mga puno sa mga bundok, sabi ng mga opisyal.

Ngayong 2018, target ng lokal na pamahalaan na makapagtanim ng 1 milyong puno sa iba't ibang bahagi ng Capiz.

Mungkahi rin ang pagtatayo ng P19.7 bilyon na Panay River Basin upang magsilbing reservoir sa probinsiya at iba pang kalapit na bayan. Tinatayang may 13,000 hektarya ng taniman ang makikinabang sa proyektong ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.