3 anyos na bata, dinukot umano sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 06:04 AM | Updated as of Jan 03 2018 12:08 PM

Isang 3 anyos na batang babae ang dinukot umano ng isang babae sa Barangay Ilaya, Las Piñas noong Sabado.

Kuwento ni Daisy Lyn Bumatay, nagpaalam umano si Princess Louisiana na pupunta sa tindahan noong Disyembre 30.

Nang hindi bumalik ang bata, nalaman ni Bumatay na may babaeng nakitang dala-dala si Princess Louisiana na umano'y umiiyak at kumakawala.

Nakunan sa isang CCTV ang pagpasok ng babae sa Velasquez compound at ang paglakad niya maya-maya na hawak ang isang bata na pinaniniwalaan umanong si Princess Louisiana.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang naturang babae at saan niya dinala ang bata.

Sa sinumang makapagtuturo ng kinaroroonan ni Princess Louisiana o may alam sa pagkakakilanlan ng babae, makipag-ugnayan lang sa Las Piñas police sa numerong (0947) 462-2859. - ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.