14 na bahay, nasunog sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 04:53 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sumiklab hatinggabi ng Miyerkoles ang isang sunog sa isang residential area sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City, kung saan 14 na bahay ang natupok.

Batay sa inisyal na impormasyon na nakalap ng Bureau of Fire Protection (BFP), nag-umpisa umano ang sunog sa bahay ng isang Jarmaine Sebastian.

Agad itinaas sa ikalawang alarm ang sunog makalipas ang 30 minuto na kumalat sa 14 na katabing bahay.

Idineklarang fire out ng BFP pasado alas-2:30 ng madaling araw.

Walang naitalang nasugatan sa insidente, habang 15 pamilya ang naapektuhan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at inaalam kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala.

Malungkot naman ang overseas Filipino worker na si Dave Waje na nasalanta sa insidente.

Kakauwi lang niya galing Dubai ilang minuto bago nagsimula ang sunog.

Wala siyang naisalba sa mga dalang pasalubong at naipong pera para sa kanyang pamilya.

Iniimbestigahan na ng BFP ang sanhi ng sunog at kabuuang pinsala nito. - Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.