2 biktima ng paputok naitala sa Palawan

Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2017 11:54 AM

PALAWAN - Sa gitna ng putukan sa pagsalubong sa Bagong Taon, sunud-sunod din ang pagdating ng mga ambulansiya sa Ospital ng Palawan.

Dalawa sa mga naisugod sa pagamutan ay mga biktima ng paputok. Isa dito ay ang limang taong gulang na batang lalaki na nakaapak umano ng piccolo at isang 28-anyos na lalaki na humawak ng hindi pumutok na kwitis.

Maswerte namang hindi malala ang tama ng mga biktima na kaagad din nakauwi matapos malinis ang mga sugat.

Mula alas-dose hanggang alas-kwatro naman ng madaling araw, 10 vehicular accident ang naitala at ang mga biktima ay dinala rin sa Ospital ng Palawan. Ilang sasakyan ang nagkabanggaan at mayroon din nag-self crash.

Samantala, apat naman ang isinugod din sa ospital dahil sa mauling incident.