Signal No. 1, itinaas sa ilang lalawigan dahil kay 'Agaton'

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2018 06:40 PM

Naging bagyo na ang low pressure area na "Agaton," na posibleng tumama sa rehiyon ng Caraga ngayong Lunes ng gabi o sa Martes ng madaling araw, ayon sa PAGASA state weather bureau.

Sa ulat ng PAGASA, alas-5 ng hapon nitong Lunes, taglay ni Agaton ang lakas ng hanging nasa 45 kilometro kada oras (kph) at pagbugsong pumapalo sa 60 kph.

Itinaas ang storm signal no. 1 sa mga sumusunod na lalawigan:

  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Bukidnon
  • Camiguin
  • Compostela Valley
  • Davao del Norte
  • Davao del Sur
  • Davao Oriental
  • Dinagat Island
  • Lanao del Norte
  • Lanao del Sur
  • Misamis Occidental
  • North Cotabato
  • Siargao Island (Surigao del Norte)
  • Southern Leyte
  • Surigao del Norte
  • Surigao del Sur

Huling namataan ang bagyo sa layong 175 kilometro silangan ng hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Kumikilos ito sa bilis na 19 kph patungong kanluran.

Inaasahan itong dumaan sa Hilagang Mindanao, Zamboanga peninsula, at timog ng Palawan, halos kapareho sa tinahak ng bagyong "Vinta" bago mag-Pasko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.