3 sugatan sa aksidente sa Tarlac

Ulat ni Aldrin Soriano, ABS-CBN North Central Luzon

Posted at Nov 12 2014 08:50 PM | Updated as of Nov 13 2014 04:50 AM

Users of mobile apps may view the slideshow in www.abs-cbnnews.com

TARLAC - Sugatan ang tatlong sakay ng isang van matapos sumalpok sa concrete barrier ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) sa Anao, Tarlac mag-aalas-tres ng hapon Martes.

Ayon sa hepe ng Anao PNP, galing sa Urdaneta City, Pangasinan ang anim na sakay nito at pauwi na sana sa Maynila nang makaidlip ang drayber nito.

Wala naman ng ibang nadamay sa aksidente.

Pinag-iingat ang mga motorista sa pagmamaneho at kung inaantok ay huwag na lamang magmaneho.

Kuha ang mga larawan ng Anao PNP sa Tarlac.