46 di umano'y drug personalities, sumuko

Chai Tabunaway, ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2016 02:38 PM

Apatnaput-anim na di umano'y drug personalities ang sumuko sa awtoridad Martes ng umaga sa Barangay Cannery, Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Polomolok Municipal Police Station chief, Supt. Joedy Lito Guisinga, ito ay resulta ng pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay at mga pulis sa nakalipas na tatlong linggong pakikipag-ugnayan sa mga nasasangkot sa droga.

Nakipag-ugnayan na rin ang barangay at awtoridad sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para mabigyan ng livelihood assistance o scholarship ang mga sumukong suspek.

Ito na ang ika-337 na mga drug suspects ang nangakong magbabagong buhay sa Polomolok.