30 T'boli balik-eskwela sa S. Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2016 06:51 PM

Balik eskwela ang nasa 30 T'boli sa Lake Sebu, South Cotabato nitong Lunes.

Sila ang tinaguriang pioneer para sa Indigenous Peoples (IP) education program para sa Senior High School sa buong bansa.

Masaya ang mga estudyante at maging ang mga guro dahil isinama sa curriculum ang kultura ng mga T'boli.

Nakatuon ang kanilang kurso sa sustainable community resources management na may specialization sa eco tourism at livelihood management.

Pero ang problema wala pa silang school building hanggang sa ngayon kayat nakikigamit na lang muna sila ng mga bakanteng silid sa barangay ng Lamdalag. Rean Hazel Hacosta, ABS-CBN News