7 sugatan sa aksidente sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2014 07:55 PM | Updated as of Nov 25 2014 03:55 AM

Pito ang sugatan matapos suyurin ng isang 14-wheeler truck ang isang bahay sa Antipolo City.

Kabilang sa mga nasugatan ang 5 tao na nasa loob ng bahay sa Barangay Mambugan.

Kasama rin sa sugatan ang driver ng truck at pahinante.

Ayon said Antipolo City Risk Reduction and Management Office, nawalan ng kontrol ang driver ng truck na kinilalang si Gilbert Layasan na halos dalawang oras ding naipit matapos mapitpit ang unahang bahagi ng kanyang sasakyan.

Kargado ng mga marmol at tiles ang truck na sinasabing pumutok ang gulong habang binabaybay ang paibabang bahagi ng Sumulong Highway.

Nawalan ng kontrol ang trak, na unang nasagi ang isang Kia Sorento bago dumiretso sa gilid ng daan at suyurin ang isang bahay - Henry Atuelan, dzMM