6-talampakan sawa nahuli sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2015 04:43 PM | Updated as of Oct 10 2015 12:43 AM

 

Nakahuli na naman ng isang anim na talampakan na sawa ang mga tanod ng Barangay Karuhatan sa Valenzuela, Biyernes ng madaling-araw.

Natagpuan ang sawa na nagtatago sa kanal sa labas ng isang bahay.

Isang reticulated python ang nakuhang sawa at hindi makamandag.

Ito na ang ika-walong sawa na nahuli sa lugar ng mga tanod na tinaguriang "sawa buster."

Noong Hulyo nakahuli rin ng isang mas malaki pang sawa ang mga residente na naging sanhi pa ng pag-aaway dahil sa mga nawawalang manok na kinain nito.

Naglalagi sa mga madilim at malamig na lugar ang mga sawa. Nagbabala naman ang mga tanod na sa pag-igting ng El Niño ay posibleng magtago na rin sa residential areas ang mga ito. -- Ulat ni Primy Cane, ABS-CBN News